Sunday, January 22, 2012

R.I.P - Joaoie

(ginagamit ko nalang ang blog para makatipid ang google)

R.I.P. utak.

Wala akong naintindihan. Hindi ako makasunod halos. Inglisero ako hanggang simula nang high school kaya andami ng narinig ko na hindi ko naunawa. Pati ibang kabastusan nakuha ko nalang sa galaw. Subalit sa dulo bigla nalang nagkaroon ng saysay lahat ng nakita ko sa tanghalan.

Sa bandang simula, sinubukan kong maintindihan ang panahon at lugar kung kailan at saan ito gumaganap. Bago pa ng intermission wala na'kong pakialam. Natunaw na halos utak ko sa dami ng hindi ko nasundan. Tawa nalang. Pagdating sa monolouge naman, saka lang nagkaroon ng saysay para sa akin. Puwedeng pataying nalang ang pag-aarte. Sa panahon na 'to pagandahan at pasikatan naman ang malaking bahagi ng basehan ng kakayahan ng mga "artista".

Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung bakit ganun ang pagkagawa. "ganun" nalang dahil wala akong maisip na angkop na salita, pero puwede siguro ang sabaw, o sabog. Pakiramdam ko may dahilan pa rin na hindi ko lang nakikita.

Ang kabastusan rin siguro may dahilan. Nakakapagdagdag ng aliw at saya sa tanghalan ang paglagay ng mga kabastusan, pero ano ang sinasabi nito tungkol sa mga tao gayon? Marami ang hindi pa masyadong mauunawaan ng mga tao, kabilang doon ang mga tao mismo. Kung ano ang bumubuo ng isang magandang tanghalan, kuwento, musika atbp, hindi mailalagay sa isang kongkretong definition.

Para sa akin, hindi ko gaanong nakahiligan ang tanghalan, pero malaki ang impact ng dulo sa akin. Mas klaro pa sana para sa akin ang mensahe kung diniretso, pero ako lang naman iyon. Nakita ko naman na natuwa ang ibang tao, at iyon nga, hindi lahat ng tao ay magkakagusto sa pare-parehong bagay.

No comments:

Post a Comment