Wednesday, March 7, 2012
"Bangag ba Nagsulat nito?"
Iyon ang kalimitang tanong noong high school, pagkatapos basahin ang iba't-ibang epiko na sinulat ng ating mga ninuno. Baka daw nasobrahan sa nganga, kaya sinulat nila na nakakabuhay ito ng patay kung dinuraan mo sila habang nangunguya ng nganga.Tuba naman ang sinisi nang mabasa na may 12 negritong pinakawalan galing sa maliit na baul. Pagdating ng long test, ang mga utak namin ay napuno ng bagay katulad ng aling bida ang nakapagsalita pagkasilang, sino ang humahawak sa Juris Pakal, ang tamang pagsasalita ng "Baklayaon," at iba pang detalye na sa pagkalito nahihirapan nang tukuyin kug saan natapos ang isang epiko, kung saan nagsimula ang sumunod, at kung nahalo na talaga sa isipan ang mga karakter, detalye, at pangyayari. Ang panlalait sa mga epiko ay siguradong dahil nakakatamad aralin ang mga kuwentong maraming kailangang kabisaduhin, pero dahil doon, hindi masyadong naisipan kung pangit lang talaga ang kuwento o hindi. Siguro kung hindi kinailangang basahin, iiba ang mga reaksyon, kahit konti, pero halos sigurado rin na hindi ito mababasa. Ang epiko ng ibang bansa katulad ng Gresya and India, may pagkatanyag sa buong mundo, kaya baka ibig sabihin ng kawalan ng ganito sa Pilipinas ay ang malungkot ng katotohanan na wala talagang magandang epiko. Baka mayroon pang epikong puwedeng umabot sa ganitong tanyag, kaso nawala sa panahon, sa pagkabura ng mga Espanyol ng ating kasaysayan, pero sa ngayon, wala.
Sex
Hindi ko pa alam kung bakit puno ng sex ang inaaral ngayon. Ang una kong naisip, at sa ngayon ang tanging maisip, ay para klaro sa lahat na nasa kolehiyo na sila nag-aaral, na dapat may level of maturity na puwedeng talakayin ito. Siguro bahagi ito ng dahilan, pero hindo ko maisip ano kaya magiging reaction ng isang heswita kung kasama sila sa discussion. Malamang depende pa rin ito sa indibidwal na tao, pero kung ang tanghalan ng Ateneo, ang R.I.P, ay naedit ng pari, ano pa kaya reaksyon nila sa paggamit ng bangus pangsiksik sa singit? Para sa akin, wala akong problema sa pag-aaral ng literaturang tungkol sa chupaan ng dalwang bakla, pero baka may ibang tao sa paaralan na maoofend sa bigla-biglaan lang na exposure sa ganitong topic.
Ang Tawag ng Halinghing
Sa ungang pahina pa lang ng "Halinghing sa Hatinggabi," sinasabi ni Laura na parang tinatawag siya ng mga ito. Napatawa ako halon nang nabasa ko ito. Ang dahilan ay mayroon akong nabasa na research na ang mga halinghing ay kasama sa ating biological behavior dahil noong mga tao ay nasa gitna pa ring ng unggoy at ng itsura ngayon, ang halinghing ay pagtawag ng iba para sumali. Ang inaral nila para sabihin ito ay ang mga tao ngayon, at ang bonobo chimpanzee, na pantay sa ordinaryong chimpanzee bilang pinakamalapit na species sa homo sapiens. Hindi ko siguro malalaman kung alam ito ng may akda at kung sinadya ito o hindi, pero isasama ko na rin ang source.
Brewer, Gayle & Hendrie, Colin. "Evidence to Suggest Copulatory Vocalizations in Women Are Not a Reflexive Consequence of Orgasm," Springer Science+Business Media, http://leeds.academia.edu/ColinHendrie/Papers/1207362/Evidence_to_Suggest_that_Copulatory_Vocalizations_in_Women_Are_Not_a_Reflexive_Consequence_of_Orgasm (accessed 7 Mar 2012)
Brewer, Gayle & Hendrie, Colin. "Evidence to Suggest Copulatory Vocalizations in Women Are Not a Reflexive Consequence of Orgasm," Springer Science+Business Media, http://leeds.academia.edu/ColinHendrie/Papers/1207362/Evidence_to_Suggest_that_Copulatory_Vocalizations_in_Women_Are_Not_a_Reflexive_Consequence_of_Orgasm (accessed 7 Mar 2012)
Battered wife
Naalala ko ang panahon noong mga dalwang taong gulang pa lang ang kapaid ko. Mahilig siyang kumagat ng tao, kahit sino. Mga kagat niya nagiging bilog na pasa na minsa'y medyo malaki na rin, at palaging matagal bago mawala. Ang ginawa ng nanay, nagpanggap battered wife sa pamilya niya; sa nanay at mga kapatid niya. Pagdating sa annulment case pagkatapos ng pitong taon, isinama niya ang "pambubugbog" sa grounds for annulment. Ako, alam ko na walang nangyaring ganun. Sa korte, madaling naipakita ng abogado ang pagsinungalin. Ang simpleng depensa ay ang katotohanan, na kagat lang iyon ng bata, at kung binugbog siya talaga ng tatay ko, siguradong magkakabali ang buto niya; dating libangan niya ang pagbabasag ng hollow block, at may naospital na karate instructor na humamon sa kanya dahil hindi siya nakinig noong paulit-ulit na binilin na huwag na siyang lumaban pa dahil hindi siya mananalo. Medyo maraming karanasan sa buhay ko ang nailabas ng "Halinghing sa Hatinggabi," pero sa likod ng utak ko nakulitan ako na puwedeng puwede rin na ang babae lang ang may sala.
Psychological Incapacity
Iyon din mismo ang dahilan ng annulment ng mga magulang ko. Sa mga dokumento, nakalagay na ang nanay ang nagreklamo, pero siya rin ang psychologically incapable. Ang psychiatric assesment ng lalake ay may kaunting pagka-obsessive compulsive. Sa babae naman, pathological liar, narcisit, hindi puwedeng pagtiwalaan sa paghawak ng pera, at may pagkataon na may "baka" nagkaroon ng extra-marital affair ("baka" dahil lang walang confession). Siguro halata na sinusulat ko ito dahil kakabasa ko lang ng "Halinghing sa Hatinggabi," at habang nakikita ko ang mensahe nito na peminista, napaisip ako tungkol sa mga dinaanan ni Ochie sa dulo. Alam ko ang karamihan sa proseso, at sumasang-ayon ako na minsan mayroon talagang tao na hindi kayang maging bahagi ng relasyong pangmatagalan.
-Joaoie
-Joaoie
Sunday, March 4, 2012
Medyo matagal na ang nakalipas noong kasama sa discussion ang ibg sabihin ng kawalan ng sulat. Marami ang ibig sabihin ng katahimikan. Ang napanood ko naman ay may ibangtingin. Sa palabas, may aktlat tungkol sa lahat ng bagay sa mundo, "The Book About Everything", pero walang nakakita sa laman. Sa dulo, nabuksan ng bida, at walang nakasulat, puro blankong papel. Naintindihan niya ang ibig sabihin ng akda. Sa kabila ng sinasabi ni Jose Garcia Villa, na ang kawalan ay katahinikan, dtio ang blankong papel ay nagsasaad ng posibilidad na walang hanggan. Sa pagbibigay ng blankong papel, maaring masulat ang kahit ano. Everything can be put into the book.
Ang mga salita ay puwedeng magkaroon ng maraming ibig-sabihin, pero puwede rin pala sa kawalan ng salita.
-Joaoie
Subscribe to:
Posts (Atom)