Wednesday, March 7, 2012
Battered wife
Naalala ko ang panahon noong mga dalwang taong gulang pa lang ang kapaid ko. Mahilig siyang kumagat ng tao, kahit sino. Mga kagat niya nagiging bilog na pasa na minsa'y medyo malaki na rin, at palaging matagal bago mawala. Ang ginawa ng nanay, nagpanggap battered wife sa pamilya niya; sa nanay at mga kapatid niya. Pagdating sa annulment case pagkatapos ng pitong taon, isinama niya ang "pambubugbog" sa grounds for annulment. Ako, alam ko na walang nangyaring ganun. Sa korte, madaling naipakita ng abogado ang pagsinungalin. Ang simpleng depensa ay ang katotohanan, na kagat lang iyon ng bata, at kung binugbog siya talaga ng tatay ko, siguradong magkakabali ang buto niya; dating libangan niya ang pagbabasag ng hollow block, at may naospital na karate instructor na humamon sa kanya dahil hindi siya nakinig noong paulit-ulit na binilin na huwag na siyang lumaban pa dahil hindi siya mananalo. Medyo maraming karanasan sa buhay ko ang nailabas ng "Halinghing sa Hatinggabi," pero sa likod ng utak ko nakulitan ako na puwedeng puwede rin na ang babae lang ang may sala.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bantayan pa ang mga typo sa pagsusulat.
ReplyDelete