Wednesday, March 7, 2012

Psychological Incapacity

Iyon din mismo ang dahilan ng annulment ng mga magulang ko. Sa mga dokumento, nakalagay na ang nanay ang nagreklamo, pero siya rin ang psychologically incapable. Ang psychiatric assesment ng lalake ay may kaunting pagka-obsessive compulsive. Sa babae naman, pathological liar, narcisit, hindi puwedeng pagtiwalaan sa paghawak ng pera, at may pagkataon na may "baka" nagkaroon ng extra-marital affair ("baka" dahil lang walang confession). Siguro halata na sinusulat ko ito dahil kakabasa ko lang ng "Halinghing sa Hatinggabi," at habang nakikita ko ang mensahe nito na peminista, napaisip ako tungkol sa mga dinaanan ni Ochie sa dulo. Alam ko ang karamihan sa proseso, at sumasang-ayon ako na minsan mayroon talagang tao na hindi kayang maging bahagi ng relasyong pangmatagalan.

-Joaoie

1 comment:

  1. Dahil sa pagbubukas ng bahagi ng sarili na maaaring sensitibo, binibigyan kita ng +1 na LG para rito. Sikapin lang na palawigin pa ang mga pag-iisip sa susunod.

    ReplyDelete