Wednesday, March 7, 2012
"Bangag ba Nagsulat nito?"
Iyon ang kalimitang tanong noong high school, pagkatapos basahin ang iba't-ibang epiko na sinulat ng ating mga ninuno. Baka daw nasobrahan sa nganga, kaya sinulat nila na nakakabuhay ito ng patay kung dinuraan mo sila habang nangunguya ng nganga.Tuba naman ang sinisi nang mabasa na may 12 negritong pinakawalan galing sa maliit na baul. Pagdating ng long test, ang mga utak namin ay napuno ng bagay katulad ng aling bida ang nakapagsalita pagkasilang, sino ang humahawak sa Juris Pakal, ang tamang pagsasalita ng "Baklayaon," at iba pang detalye na sa pagkalito nahihirapan nang tukuyin kug saan natapos ang isang epiko, kung saan nagsimula ang sumunod, at kung nahalo na talaga sa isipan ang mga karakter, detalye, at pangyayari. Ang panlalait sa mga epiko ay siguradong dahil nakakatamad aralin ang mga kuwentong maraming kailangang kabisaduhin, pero dahil doon, hindi masyadong naisipan kung pangit lang talaga ang kuwento o hindi. Siguro kung hindi kinailangang basahin, iiba ang mga reaksyon, kahit konti, pero halos sigurado rin na hindi ito mababasa. Ang epiko ng ibang bansa katulad ng Gresya and India, may pagkatanyag sa buong mundo, kaya baka ibig sabihin ng kawalan ng ganito sa Pilipinas ay ang malungkot ng katotohanan na wala talagang magandang epiko. Baka mayroon pang epikong puwedeng umabot sa ganitong tanyag, kaso nawala sa panahon, sa pagkabura ng mga Espanyol ng ating kasaysayan, pero sa ngayon, wala.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nagmumukhang minadali ang entri dahil sa kawalang-ingat sa pagsusulat.
ReplyDelete